-- Advertisements --

Suportado ni Sorsogon Governor Jose Edwin ”Boboy” Hamor ang mga evacuation orders na manggagaling sa mga local government unit (LGU) kasunod ng matapos ang phreatic eruption ng Bulkang Bulusan nitong araw ng Lunes ng madaling araw.

Sinabi pa nito na hindi niya hahadlangan ang mga kautusan at binanggit na bagamat dapat batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang evacuation, susuportahan niya ang desisyon ng mga lokal na opisyal kung magpapatuloy ito.

Nabatid na ang pagsabog ay nagdulot ng pagtaas ng alert level ng Bulusan mula sa Level 1 (low-level unrest) kung saan umabot ang mga ashfall nito sa ilang lugar sa Sorsogon at Irosin, at naapektuhan ang Maharlika Highway na nalinis nitong hapon.

Tiniyak ni Hamor na patuloy na minomonitor ang sitwasyon at handa na ang mga tulong para sa mga apektadong mga residente.