-- Advertisements --
Niyanig ng 4.0 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Bicol region nitong Biyernes.
Naitala ang lindol nitong madaling araw, kung saan dalawang kilometro lamang ang lalim.
Tectonic umano ang pinagmulan nito o resulta ng paggalaw ng tectonic plates.
Ang epicenter ay natukoy sa layong walong kilometro sa timog kanluran ng Donsol, Sorsogon.
Instrumental Intensities:
Intensity III – Donsol and Castilla, Sorsogon
Intensity II – City of Legazpi, Albay
Intensity I – Tabaco, Albay; Pili and City of Iriga, Camarines Sur