-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakahanda ang Sorsogon Provincial Government na rumisponde sa anumang posibleng sitwasyon kaugnay nang naoobserbahang pagbabago sa mga aktibidad ng bulkang Bulusan.

Una nang itinaas ang Alert Level 1 status sa nasabing bulkan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa public briefing ni Gov. Chiz Escudero, may sapat na pondo umano ang provincial government sakaling ilikas ang mga maaapektuhang residente.

Dagdag pa ng gobernador na matagal nang napag-planuhan ang mga gagawing hakbang kahit pa ng magkaroon ng krisis coronavirus disease noong Marso.

Mahirap kasi aniya ang magiging sitwasyon kung maubusan ng pondo ang provincial government lalo pa at depleted naman ang resources sa mga lokal na pamahalaan at barangay.