Nagpaabot din nang pagbati maging si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa 3rd National Bombo Music Festival 2020, An Original Song-Writing Competition.
Pinapurihan ni Sotto ang naturang proyekto na naglalayong makatulong sa promosyon ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng musika at impormasyon.
Mamayang gabi na ang grand finals ng 3rd National Bombo Music Festival na magaganap sa West Visayas State University Cultural Center.
Dagdag pa Si Sotto na isa ring composer at singer noon ay nagsabi rin na ang Bombo Music Festival ay makakatulong sa pag-develop ng musical talents lalo na ang mga kabataan.
“Your efforts to promote the Filipino culture and heritage through music and information area most laudable,” bahagi pa ng mensahe ni Sotto. “Congratulations to all of you! Your success is your payback to the nation I hope you will continue to serve.”
Samantala, liban kay Sotto una na ring nagpaabot din nang pagbati sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo at House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi naman ng Pangulong Duterte na naniniwala siya na malaki ang paniniwala niya sa malaking papel na ginagampanan ng Bombo Radyo Philippines sa kontribusyon sa pagpapalaganap pa ng kutura sa pagbibigay pagkakataon sa mga Filipino songwriters.
Tiniyak naman ng Presidente na suportado ng kanyang administrasyon ang programa na nagsusulong sa mga talento ng mga Pinoy.
Kasabay nito ipinarating din ng Pangulong Duterte ang kanyang mensahe para sa tagumpay ng National Bombo Music Festival.