-- Advertisements --
Tiwala si Senate President Vicente Sotto III, na hindi mababago ang paniniwala ng mga mambabatas sa naging pahayag ni Pope Francis na payagan na ang pagsasama ng magkaparehang sekswalidad.
Sinabi ni senador na matagal ng ginagawa ang pagsasama ng parehas na kasarian sa ating bansa.
Magugunitang binasura ng senado ang isinusulong na Sexual Orientation or Gender Identity or Expression (SOGIE) bill kahit na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang bill.
Sa naging desisyon ng mga senador ay isinusulong na lamang nila ang “universal” anti-discrimination bill.