-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para makumpleto na ang 20-man FIBA Asia Cup.

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio na si Sotto lamang ang hinhintay nila para makumpleto na ang line up sa sasabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto 16-28 sa Indonesia.

Kasalukuyang nakabakasyon kasi ang 7-foot-3 center kasama ang pamilya nito matapos ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark at FIBA Olympics Qualifying Tournament sa Belgrade noong nakaraang buwan.

Makakasama nito sa line up sina Geo Chiu, Ange Kouame, Dwight Ramos, and Justine Baltazar, nakasama sa Belgrade OQT na sina Isaac Go, Mike Nieto, Jordan Heading, William Navarro, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo at ang mga nagbabalik na Gilas players na sina Tzaddy Rangel, Kemark Carino, Rey Suerte, Matt Nieto, Thirdy Ravena, Allyn Bulanadi, Dave Ildefonso at Jaydee Tungcab.