-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Senate President Vicente Sotto III na ang pangunahin nilang concern ay ang pag-apruba na ng Kamara sa panukalang P4.5-trillion national budget sa ikatlo at huling pagbasa.

Tugon ito ni Sotto matapos ang pagpapalit ng liderato sa mababang kapulungan ng Kongreso kung saan si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ang iniluklok na Speaker kapalit ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

“All the HOR has to do is approve the budget on third reading then print and submit to us regardless of who the Speaker is,” sadd ni Sotto.

Kung maaalala, sinuspinde ni Cayetano ang sesyon sa lower chamber matapos aprubahan ang national budget sa ikalawang pagbasa.

Balak din ni Cayetano na aprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa sa oras na magbukas nang muli ang sesyson sa Nobyembre 16.

Ngunit nagpatawag ng special session sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte mula ngayong Oktubre 13 hanggang 16.

Pero bago pa man mag-umpisa ang naturang special session, nagpulong sa isang sesyon ang mayorya ng mga mambabatas sa labas ng Batasang Pambansa kahapon kung saan kanila raw inihalal si Velasco bilang bagong Speaker.