-- Advertisements --
Sen. Tito Sotto
Senate President Vicente “Tito” Sotto III

Muling siniguro ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na walang tiyansa na maipasa sa Senado ang kontrobersiyal na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality.

Ginawa ni Sotto ang muling paniniyak sa mga nagsagawa ng kilos protesta sa harapan ng Senado na maraming mga grupo na komokontra sa panukalang batas kasama na ang mga Christian groups at si Partylist representative Bro. Eddie Villanueva.

Aniya, ngayon pa lamang nasa 15 mga senador na ang nagsabi raw na hindi pabor sa SOGIE bill.

Nagpasalamat naman pa si Sotto kay Bro. Eddie dahil nagawa raw nitong ilatag ang isyu sa Kamara na hindi na ito kinakailangan.

Liban kay Sotto kasama rin nito si Sen. Joel Villanueva na humarap sa mga lider ng mga nagprotesta na pinapasok sa tanggapan ng Senado.

Kaugnay nito, inihalimbawa ni Sotto ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa bawat Pilipino lalo na ang nakapaloob sa Saligang Batas.

Giit ng Senate president na hindi na raw kailangan pa ang pagpasa sa SOGIE equality bill dahil nariyan na ang “revised penal code, labor code, civil code, the anti-graft and corrupt practices act, code of conduct and ethical standards for public officials and employees, at anti-sexual harassment act.”

Liban dito nandiyan din umano ang bagong batas na anti-bastos law.

“So we understand it, and this is a representation of what we see today, outside the Senate, is a representation of what the people feel, and again, we thank you for that. To everyone, we thank you,” ani Sotto. “We’d like to thank Congressman Brother Eddie, because he was able to open up and expose the issue in the House of Representatives. Senator Joel and I, we have been on our toes in the Senate, in the 17th Congress of this issue already, but then it is a continuing course of action being taken by some people and some sectors. But we can safely say, and we have studied this proposition already, there is no need for it. It is a redundancy.”

Sa kabilang dakong binigyang diin ni Bro. Eddie na ang kanilang grupo o coalition na nagmula sa iba-ibang sectors sa faith-based communities at straight communities ay wala raw “hatred” sa kanilang mga puso lalo na sa mga gay o maging sa mga lesbian dahil kung tutuusin mahal daw nila ang mga ito.

“Nalulungkot lang ako na ang mga kababayan natin ay nadedeceive ng ganitong strategies. Ang kultura ng Pilipino ay sapat para maging great nation ang Pilipinas. Ang patriotic spirit ng mga Pilipino ay sapat, ang pagmamahal sa Diyos at bayan ay sapat, bakit kailangan pa nating umimport ng template from western countries just to drastically change the system ng ating bansa? Paalala ko lang po iyon.”

Sogie bill senate