Nanawagan si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III kay Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon na pangalanan na ang sinsabi nitong maimpluwensiyang tao na humaharang sa pagdesisyon ng komisyon sa disqualificatoin case ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Kasunod sa naging pahayag ni Guanzon na mayroon umanong isang senador na sinubukang maimpluwensiyahan ang mga commissioners sa disqualification case laban sa dating senador.
Tiniyak ni Sotto na kapag mayroong mabigat na ebidensiya ay agad nitong hihilingin sa Committee on Ethics ng senado na tignan ang nasabing usapin.
Magugunitang inakusahan ni Guanzon ang kapwa nitong commissioner na si Aimee Ferrolino na miyembro ng First Division na pinapatagal nito ang pagpapalabas ng resulta ng disqualification case ni Marcos Jr.
Sa panig naman ni Ferolino na inakusahan niya si Guanzon ng pag-iimpluwensiya sa kaniya sa disqualification case ng tumatakbong pangulo na si Marcos Jr.
Itinanggi nito na mayroon silang itinakdang internal timeline sa division sa pagdesisyon ng kaso ni Marcos.