Kinuwestiyon ni Senate President Vicente Sotto III ang P1.2 bilyon na proposed fund para sa anticipated travel expense ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi nito na nararapat na ipaliwanag mabuti ng ahensiya kung bakit kailangan ang nasabing halaga.
Sa bahagi naman ni Senator Cynthia Villar na siyang inatasan na magtanggol sa pondo ng DENR sinabi nito na kailangan nilang pondohan ang 275 bureaus, regional at provincial offices sa buong bansa.
Ang traveling expenses aniya ay maibibigay sa central office, apat na staff bureaus, 16 na regional offices, 76 provincial environment and natural resources offices, 142 community environment and natural resources offices, dalawang line bureaus, at 31 regional offices tatlong attached agencies o kabuuang 275 ahensiya.
Dagdag naman ni Sotto na bakit kailangan pa ang travel expenses kung napapalibutan ng mga DENR offices ang bansa.
Ipapaubaya na lamang nito sa senado ang desisyon kung kailangan na lamang ang travel expenses.