Nagbabala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga maling impormasyong lumulutang ukol sa isyu ng panukalang Anti-Discrimination Act at iba panf tungkol sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT).
Ginawa ni Sotto ang pahayag dahil sa ingay na nalikha ng transgender woman na pinagbawalang gumamit ng pambabaeng banyo sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay Sotto, maraming hindi nakakaalam ng totoong kwento tungkol sa tunay na pangyayari bago kumalat sa internet ang usaping iyon.
Base raw sa natanggap nilang report, may mga nagreklamong kababaihan nang mamataan ang trans na si alyas Gretchen sa pila ng mga kababaihang gagamit ng rest room.
Tumugon lang umano ang janitress at pinayuhan ang transgender na gumamit na lang ng CR ng PWD para walang magreklamo.
Pero sa lumabas na video, isang bahagi lang umano ang nakita ng marami kaya nagmukha pang mali ang ginawa ng janitress.
Hangad nito Sotto na maging factual lamang sa isyung iyon at mapag-usapan nang husto ang Anti-Discrimination Act na muling isinusulong sa dalawang kapulungan ng Kongreso.