-- Advertisements --

CEBU CITY – Todo depensa pa rin si Senate Pres. Vicente Sotto III sa issue ng pag-uugnay ng mga tinaguriang “ninja cops” sa anti-illegal drug war campaign ng pamahalaan.

Sa panayam ng Bombo Radyo iginiit ng senador na nagsimula sa nakalipas na administrasyon ang “recycling” ng iligal na droga.

Aminado si Sotto na nakaapekto ang pagkakaugnay ng malalaking opisyal ngayon sa tuluyang pagkakadiskubre ng mga bagong punto ng issue.

Ngayong araw muling gumulong ang pagdinig ng Senado sa kontrobersya kung saan inaasahan umano ang pagdating ng mga retirado at incumbent officials ng Philippine National Police.

Tiniyak ng senador na walang bahid ng pulitika o personal interest ang panggigisa ng mataas na kapulungan sa mga sumalang at sasalang pa lang ng mga personalidad.

Prayoridad pa rin daw kasi ng Blue Ribbon Committee na mapalutang ang katotohana at protektahan ang interes ng taongbayan.