-- Advertisements --
Tinawagan ni Senate President Vicente Sotto III si House Speaker Lord Allan Velasco para agad na maipadala sa kaniya ang House-approved budget bago ang Nobyembre.
Sinabi nito na hiniling nito na dapat hanggang Oktubre 28 ay nasa Senado na ang nasabing House-approved budget.
Tiniyak naman sa kaniya na gagawin nito ang kaniyang makakaya para agad na matapos ito.
Dagdag pa nito na nahaharap sa matinding pressure kung sakaling maipasa sa kanila ang House approved budget sa buwan pa ng Nobyembre.