-- Advertisements --
Tiniyak ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, na hindi maaaprubahan ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill na isinusulong ni Senator Risa Hontiveros.
Ayon kay Sotto, na mayroon ng 15 mga senador ang nagdeklara ng hindi pagsuporta sa SOGIE Equality Bill.
Iginiit pa nito na personal na niya itong hinanap sa dictionary ang salitang trans-woman at transgender o trans-man.
Mas boto pa si Sotto sa Comprehensive Anti-Discrimination Bill na inihain ni Sen. Sonny Angara na naglalayon ng pagbabawal ng mas malawak na discriminatory acts.