-- Advertisements --
Umaasa si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng maayos na ugnayan ng trabaho sa pagitan ng Senado at Kamara de Representantes sa ilalim ng bagong liderato.
Matatandaang kagabi ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bilang susunod na House speaker.
Ayon kay Sotto, malaking bagay sa kanila na dating senador ang mamumuno sa Kamara dahil batid nito ang takbo ng aksyon sa mataas na kapulungan.
“First time in history that a Senator becomes Speaker of the House. He knows us, we know him and I do not mean that literally only,” wika ni Sotto.
Si Cayetano ay dating nanungkulan bilang senador, bago ito nagbitiw noong 2017 para pamunuan ang department of Foreign Affairs (DFA).