-- Advertisements --

Binigyang garantiya ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pananatili ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa 18th Congress.

Ito ang naging reaksyon ni Gatchalian kasabay ng mga alingasngas sa Senado na posibleng mapalitan si Sotto dahil sa pagbabago ng komposisyon ng mga miyembro ng mataas na kapulungan sa 18th Congress.

Sinasabing lahat naman ng incumbent ngayon ay suportado ang kasalukuyang Senate president kahit ng Hugpong ng Pagbabago, NPC at PDP-Laban ang kinabibilangang partido.

Giit ni Gatchalian nakikita naman kay Sotto ang pagiging maayos na lider nito dahil sa maraming naipasang mga batas at matatawag na consensus builder na pinapakinggan ng mga nakakarami kaya’t buhos ang natatapos na trabaho.

Bukod dito tinitiyak din ni Gatchalian na ang majority sa mga papasok na mga bagong senador ay suportado rin ang presidente ng kapulungan.