Pormal ng sinelyuhan at itinurn-over ng Pro V&V President Mr. Jack Cobb ang source code ng Online Voting and Counting System.
Nagpapatunay ito na ang nangyaring trusted build ay naging matagumpay. Ang susunod na hakbang dito ay ang local source code review ng Department of Science ang Technology at Department of Information and Communications Technology.
Ipinahayag ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na hinihintay na lamang nila sa ngayon ang approval ng Bangko Sentral ng Pilipinas para ideposito ang mga source code.
Sa kasalukuyan, hawak na ng poll body ang Election Management System, Automated Election System, Consolidated Canvassing System at Online Voting and Counting System.
Ayon naman kay Mr. Cobb, inaasahan na sa Abril makakapag-issue na ng report sa Technical Evaluation Committee. Kapag ito ay kanilang naaprubahan na ay dadaan na ito sa poll body muli.
Aniya, marami pang kailangangang paper works na gawin kahit pagkatapos ng local source code review.
Kaugnay pa nito, kumpyansa naman si Garcia na wala ng makikitang malaking problema sa local source code review dahil ito ay dumaan na sa international review.
Ang pagsasagawa ng local source code review ay bahagi na lamang ng batas kaya ito kailangang gawin.