-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinawi ng Butuan City Police Office o BCPO ang pangamba ng publiko ukol sa kanilang kaligtasan ngayong Pasko dahil sa bomb scare kaninang umaga sa may St Joseph Cathedral, matapos makumpirma ng City Explosives and Canine Unit (CECU) na power bank lang pala ang natagpuang bagay na isinilid sa isag box sanhi ng bomb scare.

Ayon kay BCPO spokesperson PLt. Crispulo Alburo, kahapon pa napansin ang nasabing box sa gilid ng simbahan na nai-charge sa saksakanan ng kuryente.

Kaninang umaga ay nakita na ito ng janitor sa entrance na bahagi ng simbahan at nang tingnan kasama ang gwardiya, ay kanilang nakita ang chord at number na inakala nilang kagaya sa makikita sa bomba kung kayat kaagad silang tumawag ng pulis.

Agad na isinagawa ang pag-x-ray sa nasabing bagay at ito’y pinasabog hanggang sa nakumpirmang power bank pala ito.