-- Advertisements --
Umorder ng 20 millyon dual shot ng COVID-19 vaccine doses mula sa Pfizer ang South Africa.
Hakbang ito ng gobyerno para sa gaganaping mass vaccination ng bansa ngayong buwan.
Ayon kay Deputy Director-general ng Department of Health Anban Pillay na darating ang unang batch mula sa Pfizer hanggang sa katapusan ng buwan.
Sapat na rin aniya ang nasabing bilang para mabakunahan ang nasa 41 milyon na katao sa kabuuang 60 milyong populasyon ng bansa.
Karagdagan ito sa naunang binili ng bansa mula sa Johnson & Johnson na inaprubahan ng gobyerno noong nakaraang linggo.
Mayroon ng inilaan ang World Health Organization (WHO) na 12 milyon shots mula sa COVAX scheme para sa 10 milyon.