-- Advertisements --
Dumistansiya ang South African government sa disisyon ng kasalukuyang Miss South Africa na makibahagi sa Miss Universe na gaganapin sa Israel sa buwan ng Disyembre.
Ang desisyon ay kasunod ng lumalaking panawagan kay Miss South Africa Lalela Mswane na i-boycoot ang pageant dahil sa ginagawang pagsakop ng Israel sa Palestine.
Subalit ipinagpipilit pa rin ng local pageant organizers na dapat sumali si Mswane sa December 12 pageant.
Dahil sa pagmamatigas ng organizers ay minabuti aniya ng gobyerno na iatras na ang suportas sa Mswane.
Suportado kasi ng South Africa government ang Palestine mula pa noong 1995 ng mapatatag ang diplomatic relation ng dalawang bansa.
Tinaggal din nila ang kanilang ambassador na nakatalaga sa Tel Aviv noong 2019.