Handang tulungan ng South Africa ang Pilipinas sa pagbibigay ng suplay ng mga oil at petroleum products.
Ito ang inihayag ni South Africa Ambassador Bartinah Ntombizodwa Radebe-Netshitenzhe sa kanilang courtesy call kay President-elect Ferdinand Marcos Jr kung saan tinalakay nila ang bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at South Africa.
Ibinahagi rin ng envoy na mayroong commitment mula sa Angola at Namibia para sa suplay ng langis sa Pilipinas.
Aniya, ang Angola ay isang bigoil supplier sa Southern Africa kung kayat nagpahayag ito ng tulong sa Pilipinas.
Nauna ng nagpahayag ang Russia ng kahandaang tumulong sa Pilipinas sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Bagamat hindi naman direktang bumibili ng oil products ang Pilipinas mula sa Russia dahil ang trading partners nito ay ang China, South Korea at Japan