Hindi inaprubahan ng South African Health Products Regulatory Authority (Sahpra) ang emergency use authorization ng single dose na Sputnik V COVID-19 vaccines dahil sa pangamba na tumaas ang risk ng HIV infection sa mga kalalakihan.
Ang naturang desisyon ay base sa isinagawang pag-aaral sa safety ng modified form ng adenovirus na isang uri ng virus na nagdudulot ng respiratory infections na tinatawag na Ad5 na mayroon sa Sputnik V vaccine.
Sa isang statement, sinabi ng Gamaleya Research Institute na nag-develop ng Sputnik V vaccine na ang ispekulasyon hinggil sa kaugnayan ng adenovirus type-5 vectored vaccines at HIV transmission sa high risk groups ay base lamang sa small-scale studies.
Ipinunto ng Gamaleya Institute na base sa ilang isinagawang mga clinical trials sa mahigit 7,000 participants, walang significant increase ng HIV-1 infection sa mga recipients ng Sputnik V vaccine.
Ang South Africa ay ang pinakamalubhang tinamaan ng pandemic sa buong Africa at may pinakamataas na bilang ng mga indibidwal na mayroong HIV sa buong mundo.
Sa ngayon, hindi pa nabibigyan ng emergency use authorizaton ng World Health Organization ang Sputnik V vaccine bagamat sinimulan na ang pagtuturok ng naturang single dose vaccine sa 45 bansa.