-- Advertisements --

Hinikayat ng South Africa ang International Court of Justice (ICJ) na atasan ang Israel na tigilan na ang pag-atake nito sa Rafah.

Bahagi ito ng panawagan ng South Africa matapos na akusahan nila ang Israel ng genocide laban sa Palestine.

Hiniling din ng South Africa ng dagdag na emergency measures sa opensiba nito sa Rafah City ang lugar sa Gaza Strip kung saan pinuntahan ng mga lumikas na mahigit isang milyon na Palestino mula ng pinaigting ng Israel ang kanilang military operations.

Giit pa ng South Africa na ang mga Palestino ay wala ng mapuntahang ibang lugar kapag tuluyan ng nasira ng Israel ang Rafah City.

Magugunitan noon pang Enero ay nagsampa ng kaso ang South Africa sa ICJ dahil sa genocide na ginawa ng Israel sa mga Palestino na nasa Gaza.

Una ng sinabi rin ng Israel na walang baseahn ang akusasyon ng South Africa na nilabag nila umano ang 1949 Genocide Convention.