-- Advertisements --
Naghain ang South Africa sa International Court of Justice (ICJ)ng mga ebidensiya ng genocide laban sa Israel.
Ayon kay South African President Cyril Ramaphosa na malinaw sa mga nakalap nilang ebidensiya ang mga ginawang pagpatay ng Israel army sa mga inosenteng sibilyan.
Ikinokonsidera ng ICJ na nakagawa ang Israel ng genocide sa giyera nito sa Gaza.
Magugunitang noong Mayo ay inatasan ng ICJ ang Israel na tigilan na ang opensiba nito sa Rafah kung saan maraming mga inosente ang nadamay na.