-- Advertisements --
Cyril Ramaphosa
Africa President Cyril Ramaphosa

Nagpakalat ng nasa 70,000 na sundalo ang South Africa para maipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni South Africa President Cyril Ramaphosa, na layon ng nasabing pagpakalat ng mga sundalo ay para matiyak na walang lumalabag sa ipinapatupad na lockdown.

Mayroon kasing 3,465 ang kumpirmadong kaso na nadapuan ng coronavirus sa South Africa na mayroong 58 na ang nasawi.

Ipinatupad ang lockdown sa bansa noong Marso 27 subalit marami pa rin ang sumusuway sa mga otoridad.

Hindi na surpresa ang pagpakalat ng mga sundalo sa lugar dahil noon simula pa lamang ng lockdown ay mayroon ng 2,280 na sundalo ang ipinakalat.