-- Advertisements --
Nalagpasan na ng South Africa ang rurok ng Omicron coronavirus variant outbreak.
Ayon kay Ridhwaan Suliman ang senior researcher ng South African Council for Scientific and Industrial Research na dahil naabot nila ang peak ng outbreak ay bumaba na ito sa maraming lugar ng bansa.
Mas maiksi aniya ang naging epekto nito sa bansa kumpara sa mga nagdaang variant ng coronavirus.
Mula noong nakarang mga araw ay bumaba na ng 20% ang nasabing mga kasong naitatala.
Magugunitang unang nadiskubre sa South Africa ang Omicron variant noong Nobyembre.