-- Advertisements --

Hiniling naman ng South African government sa International Court of Justice na agad na mamagitan sa ginagawang paglusob ng Israel sa Rafah City sa Gaza.

Ayon sa sulat ng South African government na ang Rafah ay itinuturing na last refuge ng mga survivors na Palestino sa Gaza.

Ikinakabahala nila na ang nasabing atake nila sa Rafah ay magreresulta sa malawakang patayan sa nasabing lugar.

Malinaw aniya na ang ginagawa umano na ito ng Israel ay isang paglabag sa Genocide Convention.