-- Advertisements --

Pumanaw na ang South African actress na si Esta TerBlanche sa edad na 51.

Kinumpirma ito ng kaniyang manager na si Annie Spoliansky.

Hindi na binanggit pa nito ang sanhi ng kamatayan ng actress.

Nakilala ang actress sa soap opera na “All My Children” na tumagal mula 1997 hanggang 2001.

Nagpapaabot naman ng kalungkutan at pakikiramay ang ilang mga celebrities na nakasama ng actress.