-- Advertisements --

Kasalukuyang ginagamot ang pangulo ng South Africa matapos na makaranas ng mild symptoms kasunod ng pagpositibo nito sa COVID-19.

Si South African President Cyril Ramaphosa na fully vaccinated na kontra COVID-19 ay nagsimulang makaranas ng sintomas matapos dumalo sa libing ng dating pangulo sa Cape Town.

Sa isang statement, sinabi ni Pres. Ramaphosa na ang infection nito sa virus ay nagsisilbing paalala sa kahalagahan ng pagpapabakuna bilang mabisang proteksyon laban sa malubhang sakit at pagkaospital.

Nauna rito, sa pagbisita ni Ramaphosa sa apat na estado sa West Africa kamakailan, sumailalim sa COVID-19 test ang pangulo at delegasyon ng South Africa na nakatalaga sa iba’t ibang mga bansa.

Kung maaalala sa South Africa din unang natuklasan ang highly mutated na Omicron COVID-19 variant na pinaniniwalaang mas nakakahawa kumpara sa ibang variants.