-- Advertisements --
Itinuturing ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na most dominant COVID-19 variant sa bansa ang South African variant.
Sinabi nito na mayroong 1,075 na kaso ng B.1.351 variant sa Pilipinas.
Sumunod na may pinakamarami sa bansa ay ang Hong Kong lineage o B.1.1.62 na mayroong 1,054 na kaso o 17.81 percent ng total samples tested at pumangatlo naman ang United Kingdom variant o B.1.1.7 na mayroong 948 o 16.02 percent ng kabuuang samples ang na-test.
Patuloy din ang pagpapaalala ng DOH sa mga mamamayan na mahigpit na sundin ang mga health protocols na ipinapatupad.