KORONADAL CITY – Mahigpit na nagbabala si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga mamamayan sa probinsiya laban sa kumakalat na mga scammers na nangongolekta ng pera at ginagamit ang Maharlika Investment Fund (IMF).
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Governor Tamayo, ipinaabot sa kanyang tanggapan ang ginagawang paglilibot umano ng mga indibidwal na nangongolekta ng pera at ipinapangako na ang sinumang makapag-invest ay makakatanggap ngP100,000 na per amula sa Maharlika Investment Fund (IMF).
Ayon sa gobernador isang malaking panloloko o panlilinlang ang ginagawa ng mga ito dahil hindi totoo na mamimigay ng pera ang probinsiya sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.
Maliban dito, may naglilibot din umano sa mga barangay at namimigay ng membership from ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP at ang sinumang magpapa-miyembro ay makakatanggap ng P3,500.
May mag nagsasabi din umanong nangongolekta ng pera kapalit ng raffle draw na gagawin ng gobernadora.
Muli ding nilinaw ng opisyal na walang ganitong mga hakbang na ginagawa ang kanyang tanggapan o sinuman sa kanyang mga tauhan.
Malinaw umano na scam ang mga ito at ginagamit lamang ang kanyang pangalan upang makapanloko.
Kaugnay nito, nanawagan ang gobernador sa lahat na maging vigilante, huwag agad maniwala sa mga scammers at kung mayroong naglilibot sa kanilang barangay ay ipagbigay alam sa mga otoridad.