-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mahigpit na pinabulaanan ni South Cotabato 2nd District Congressman Peter Miguel ang alegasyon na naglabas ng pundo ang kaniyang tanggapan para sa pangangalap ng lagda sa isinusuong na Peoples Initiative upang baguhin ang ilang probisyon ng 1987 Philippine Constitution.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Congressman Miguel, sinabi nitong wala katotohanan ang alegasyon na siya ang may pakana sa nangyayaring “pirma kapalit ayuda” sa mga barangay sa South Cotabato.

Ito ay matapos na umabot na umano sa higit limampung libong pirma ng mga taga-South Cotabato ang nalikom ng Empowered- Peoples Initiative and Referendum Movement Alliance o ePIRMA na pumapabor sa isinusulong na pag-amyenda sa ilang probisyon ng 1987 Constitution.

Ayon kay Atty. Remegio Rojas, convenor ng ePIRMA nasa 55,418 na mga indibidwal na ang lumagda o nasa 13.34% sang total number na mga rehistradong botante mula sa sang segundo distrito ng South Cotabato.

Ang nasabing lagda ay mula sa mga bayan ng Banga, Sto. Nino, Tantangan, Lake Sebu, Norala, Surallah at lungsod ng Koronadal.

Hindi rin umano sila namimigay ng ayuda, bigas at di rin ginagamit ang Displaced Workers o (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang makakalap ng mas marami pang lagda.

Maliban dito., wala din umanong 100 pesos na bayad na kinukuha sa mga tao uapang maka-avail ng benipisyo sakaling magtagumpay na isinusulong na Peoples Initiative.
Sa ngayon, mainit na usapin pa rin sa South Cotabato ang isinusulong na Peoples Initiative habang patuloy na nangangalap ng pirma ang mga convenor nito.