-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Hindi tinanggap ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr ang alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maging kalihim ito ng Department of Agriculture.

Ito ang inihayag ni Governor Tamayo matapos lumabas ang balitang siya ang napupusuan ni Presidente Marcos na ilagay sa pwesto.

Inihayag ng opisyal na hindi nito iiwan ang South Cotabato dahil mayroon itong mandato sa mga mamamayan na humalal sa kanya at naniwala sa kanyang kakayahan na pamunuan ang probinsiya.

Dagdag pa nito kahit hindi siya maging kalihim ng Department of Agriculture ay tutulong parin ito sa na mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bansa lalo na at majority ng mamamayan sa South Cotabato ay pagsasaka din ang kabuhayan.

Sa ngayon, aasahan umano na may ilalagay na iba ang pangulo sa tanggapan dahil hindi lang naman siya umano ang inalok niyo na maging DA Secretary.

Matatandaan na si South Cotabato Vice Governor Arturo Pingoy Jr ang nagbunyag sa alok ng pangulo sa gobernador.