KORONADAL CITY – Tinangkang sibakin bilang national president ng Partido Federal ng Pilipinas si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.
Ito mismo ang ibinunyag ni Governo Tamayo matapos na nagsagawa umano ng general assembly ang ilang miyembro nga kanilang Partido na umaklas kamakailan at tinanggal siya bilang national president ng partido.
Sa isinagawang pagtitipon, nahalal umano bilang bagong presidente ng PFP si former Catanduanes Governor and Congressman Leandro Verceles,
Ngunit ayon kay Tamayo, illegal o nuisance ang ginawa ng grupo at hindi naaayon sa Constitution and By-laws ng Partido kaya’t nananatili siyang national president ng PFP.
Dagdag opa nito, hindi sumunod sa kautusan ng liderato ng partido ang mga myembro at ilang opisyal na nagsagawa ng pagtitipon kaya’t sa halip na siya ang masibak ay tuluyang tinanggal na ang mga ito na kasapi ng Partido.
Nanindigan din si Tamayo na walang blessing mula kay Panggulong Ferdinand Marcos jr ang isinagawa ng mga umaklas.
Matatandaan na ang nabanggit na Partido ang naging Partido ni Pangulong Marcos noong nagdaang halalan hanggang sa kasalukuyan.
Sa ngayon, ipinagdiinan nito an mananatiling lehitimong opisyal siya ng Partido Federal ng Pilipinas.