KORONADAL CITY – Nananawagan ngayon ang South Cotabato Medical Society kay Governor Reynaldo Tamayo Jr. na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lalawigan.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID 19 cases sa lalawigan na itinuturing na rin special concerned area.
Sa sulat na ipinadala ng grupo ng mga health workers sa gobernador, nakasaad rin na nasa 206 mga doktor, nurses at midwife muala sa iba’t ibang pampubliko at pribadong pagamutan ang sumasailalima ngayon sa quarantine matapos magpositibo sa virus ang ilan sa mga ito.
Kasabay nito, naalarma din sila sa mataas na porsiyento ng resulta ng mga isinailalim sa tests kung ikumparar noong nakaraang buwan matapos na maitala na ang local transmission sa probinsiya.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang magiging sagot ng gobernador ng probinsiya kaugnay nito.
Pumalo naman sa halos 700 ang paositibong kaso sa Region 12 kung saan ang South Cotabato ang may pinakamataas na umabot sa 209.