KORONADAL CITY – Opisyal nang idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan ng South Cotabato dahil sa dengue outbreak.
Ito’y matapos nagkasundo ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa isinagawang special session kaugnay sa naturang krisis.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Assistant Provincial Health Officer Dr. Alah Baby Vingno, na batay sa datos ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, naitala na sa kabuuang 3,605 kaso ng dengue mula noong Enero 1 hanggang Hulyo 19, 2019.
Mas mataas aniya ito ng 152% kung ihahambing sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Vingno, halos lahat ng mga lugar sa probinsya maliban sa bayan ng Lake Sebu ang nakapagtala ng casualties na umaabot lahat sa 21.
Kaya umaapela ito sa mga residente na mahigpit na ipatupad ang 4S method upang masawata ang dengue outbreak sa lalawigan.