Dineklara ngayon ng South Korea na iligal o “unconstitutional” ang pag-ban sa abortion.
Ang historic court decision ay nagbabasura sa umiiral na batas na nag-ugat noon pa mang 1953, kung saan nagpapataw ng multa at pagkakakulong sa mga bibili sa mga gamit na nagpapa-abort.
Ang batas ay may exemption liban lamang sa mga babae na na-rape, may kasong incest o kaya namemeligro ang kalusugan.
Ang Korea ay isa sa ilang mga developed countries na itinuturing na isang uri ng krimen ang abortion.
Noong taong 2017, isang opinion survey ang ipinalabas na umaabot daw sa 51.9% ng mamamayan ang pabor na tanggalin na ang ban sa abortion.
Ang kontrobersiyal na batas ay isinailalim sa pag-review matapos na magpetisyon ang isang babaeng dotkor na nagsabing ang ban sa abortion ay nagdudulot nang panganib sa mga babae at paglimita ng kanilang mga karapatan.