Mgsasagawa ng tabletop exercise sa Pentagon sa susunod na linggo ang mga militar ng South Korea at United States upang mahasa ang kanilang magkasanib na pagtugon sa potensyal na paggamit ng mga nuclear weapons.
Ang isang araw na computer simulation na itinakda ay magaganap habang ang dalawang bansa ay nagsusulong na palakasin ang kanilang 70-year allaince sa harap ng mas agresibong nuclear doctrine ng North Korea.
Ang ehersisyo ay naglalayong tumuon sa mga hakbang laban sa mga banta ng nuclear ng North Korea at talakayin kung paano palakasin ang isang pinalawig na deterrence ng United States.
Dagdag dito, ang naturang military exercise ay magse-set up ng mga posibleng kaganapan kung saan ang North Korea ay gumagamit ng mga nuclear weapons, at kung paano bumalangkas ng mga plano sa pamamahala ng krisis sa militar.
Kaugnay nito, ang mga alalahanin tungkol sa nuclear program ng North Korea ay lumalim sa South Korea matapos magsagawa ang North ng record