Binigyan na ng South Korea ng emergency use ang COVID-19 anti-viral pills ng Pfizer na Paxlovid.
Ayon sa Ministry of Food and Drug Safety na ito ang kauna-unahang uri na ipinakilala sa nasabing bansa.
Matapos kasi ang pagluwag ng restrictions noong Nobyembre ay ibinalik ng South Korea ang paghihigpit ngayong Disyembre dahil sa pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.
Sinabi naman ni drug safety minister Kim Gang-lip na kumbinsido sila na ang oral antiviral treatment ay kayang iwasan ang pagkakaroon ng seryosong pagkakasakit ng mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19.
Ang nasabing gamot aniya ay gagamitin ng mga nasa tamang edad na pasyente o mga bata na 12-anyos na mayroong bigat na 40 kilos pataas na dumaranas ng mild hanggang moderate symptoms.