-- Advertisements --
Ibinasura na ng South Korea ang military intelligence-sharing agreement nila ng Japan.
Sinabi ni Kim You-geun, deputy director of the Blue House National Security Office, ang hakbang ay bilang ganti sa desisyon ng Japan na tanggalin sila sa listahan bilang trusted trading partners.
Desisyon na rin ito ng kanilang gobyerno bilang pagprotekta ng kanilang national interest.
Nabahala naman ang Pentagon sa naging desisyon ito ng South Korea.
Ayon kay Pentagon spokesman Lt. Col. Dave Eastburn, na hinihikayat nila ang Japan at Korea na mag-usap para maresolba ang nasabing problema.