-- Advertisements --

Ipinarada sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang dekada ng South Korea ang kanilang mga armas na pandigma.

Ang nasabing pagpaparada ay kasabay ng pagdiriwang ng 75th Armed Forces Day sa bansa.

Pinangunahan ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang nasabing programa kung saan sa kaniyang talumpati ay nagbabala ito sa North Korea sa paggamit ng nuclear weapons.

Sakaling mangyari aniya iyon ay tiyak niya na hindi sila pababayaan ng US na itinuturing nilang mahigpit na kaalyadong bansa.

Magugunitang nagkaroon ng tensyon sa Korean peninsula kung san ikinagalit ng North Korea ang mga isinasagawang military exercises ng South Korea kasama ang US at Japan.