-- Advertisements --

Inaprubahan na ng South Korean government ang pagsasagawa ng clinical trial ng kumpanyang Celltrion Inc. ng kanilang experimental COVID-19 treatment drug.

Ito ang magiging unang antibody drugs na maaaring masubukan sa mga tao.

Plano ng kumpanya na kumuha ng 32 na malusog na volunteers sa tulong ng mga local na pagamutan para sa Phase I study ng gamot.

Magugunitang nagkukumahog na ang mga drug company na gumawa ng mga bakuna laban sa COVID-19.