-- Advertisements --
Matagumpay na inilunsad ng South Korea ang kanilang kauna-unahang rocket sa kalawakan.
Lumipad mula sa Goheung, Seoul ang Korean Satellite Launch Vehicle II o kilala din bilang “Nuri”.
Sinabi ni President Moon Jae-in na nakumpleto ng nasabing sasakyan ang full flight sequence pero nabigo ito na maglagay ng dummy satellite sa orbit.
Ang nasabing launches aniya ay mahalaga sa kanilang space programmes pero malaki din ang potensiyal nito na magkaroon ng military applications.
Nagkakahalaga ang nasabing satellite ng $1.6 bilyon.
Magugunitang noong 2012 ay nauna ng naglagay ang North Korea ng kanilang satellite sa orbit.