-- Advertisements --

Planong ipatigil na ng South Korean government ang pagpapadala ng kanilang mga mamamayan ng lobo na mayroong anti-North Korean messages sa kanilang border.

Ito ay matapos ang panawagan ng kapatid na babae ni North Korean leader Kim Jong-Un na si Kim Yo-jong na ang mga baloon-senders ay mga “human-scum”.

Sa loob kasi ng ilang taon ay nagpapadala ang mga activist at defectors ng mga mensahe na bumabatikos sa North Korea at ang lider nito sa border.

Ipinagtanggol ito ng gobyerno ng South Korea at sinabing walang anumang tension na nagaganap sa nasabing hakbang.