Muling pinagtibay ng mga lider ng South Korea, Japan at US ang kanilang pangako na magtulungan para sabay na tugunan ang mga kinakaharap na hamon sa rehiyon.
Ito’y matapos ang isinagawang trilateral meeting ng tatlong bansa kasabay ng paggunita ng anibersaryo ng nasabing summit na ginanap sa Camp David.
Ngayong araw August 18,2024 nagpulong sina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Yoon.
Ayon kay South Korean President Yoon Suk Yeol’s, ang principles ng trilateral cooperation ay nabuo nuong nakaraang summit na siyang nagsisilbing rodmap ng kooperasyon ng tatlong bansa.
Nagkasundo ang tatlong lider na palakasin at palalimin pa ang military and economic cooperation.
Nagkaisa din ang tatlong lider na manindigan laban sa China hinggil sa pagpapalakas ng kanilang pwersa na nagdudulot ng banta sa seguridad at ang banta sa seguridad mula sa North Korea.