-- Advertisements --

Kinumpirma ng South Korea spy agency na nagpadala ng mga sundalo ang North Korea sa Russia para lumaban sa Ukraine.

Ang nasabing alegasyon ay matapos ang ilang araw ng ibunyag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mayroong 10,000 na sundalo ang ipinadala ng North Korea sa Russia.

Dahil dito ay nagpatawag ng security meeting si South Korean President Yoon Suk Yeol.

Nanawagan din ang South Korean President na dapat ay agad na gumawa ng aksyon ang mga international leaders.

Base sa nakuhang impormasyon ng spy agency na dumating sa Russia ang nasa 1,500 na sundalo ng North Korea habang aabot sa kabuuang 12,000 na mga sundalo ang naghahandang magtungo sa Russia.