Magsasagawa ang South Korea ng loudspeaker broadcasts patungo sa North Korea, ayon sa kanilang National Security Council, ito ay matapos muling magpadala ang Pyongyang ng mga lobo sa border na may bitbit na basura.
Nagbabala ang South Korea na gagamitin nila ang “unendurable” measures laban sa North Korea para sa pagpapadala ng mga naturang lobo.
Nagsimula ang Pyongyang na magpadala ng mga lobo na may bitbit na basura at dumi sa border noong Mayo at sinabi na ang hakbang ay ganti sa mga leaflets na anti-North Korea na ipinadala ng mga aktibista mula sa South bilang bahagi ng isang propaganda campaign.
Noong Hunyo 2, sinabi nito na pansamantala silang hihinto sa pagpapadala ng mga lobo dahil ang 15 tonelada ng basura na ipinadala nito ay marahil sapat na para iparating ang mensahe kung gaano nakakasuklam ang anti-North leaflets. Gayunpaman, ipinangako nitong magpapatuloy kung sakaling maulit muli ang mga leaflets mula sa South sa pamamagitan ng pagpapadala ng daan-daang basura.
Ang mga broadcast ng South Korea ay pinapalabas mula sa maraming loudspeaker na nakatambak sa malalaking rack na may kasabay na mga balita sa buong mundo at impormasyon tungkol sa demokratiko at kapitalistang lipunan na may halo ng popular K-pop music. Pinaniniwalaang ang tunog ay umaabot ng mahigit sa 20 kilometro (12.4 milya) papunta sa North Korea.
Sinabi naman ng militar ng South Korea na ang North ay nagpapalipad ng nasa 330 lobo na may bitbit na basura simula Sabado at nasa 80 rito ang bumagsak na sa South.