-- Advertisements --
Makakatanggap ng 1 milyon doses ng Johnson & Johnson coronavirus vaccine mula sa US ang South Korea.
Sinabi ni Prime Minister Kim Boo-kyum na ilalaan ang nasabing mga bakuna para sa 550,000 na sundalo nila.
Ang nasabing bilang ay dinoble ni US President Joe Biden sa noong nagsagawa ng pagpupulong ang South Korean President Moon Jae-in.
Inaasahan na darating ang nasabing bakuna sa susunod na linggo.
Umaabot na sa 5.4 milyon ng 52 milyon populasyon ng South Korea ang naturukan na ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.