-- Advertisements --

Mas hinigpitan pa ng South Korea ang mga ipinatutupad nilang coronavirus measures sa Seoul at sa kalapit na mga lugar.

Ito’y makaraang maitala ng bansa ang pinakamataas na bilang ng panibagong mga impeksyon sa loob ng mahigit limang buwan.

Kabilang sa mas mahigpit na social distancing guidelines ay ang pagbabawal sa mga pagtitipon at aktibidad tulad ng professional sports.

Batay sa pinakahuling datos, nakapagtala ang South Korea ng 166 bagong kaso nitong Sabado, na pinakamataas na numero mula pa noong Marso.

Kaya naman, umakyat na sa 15,039 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay South Korean Prime Minister Chung Sye-kyun, nasa “critical juncture” daw ang kanilang bansa sa kanilang pakikibaka sa deadly virus.

“Our top priority is to contain the spread of the virus in the greater Seoul area,” wika ni Chung.

Nanggaling ang karamihan sa mga bagong kaso sa greater Seoul region, kung saan nakatira ang kalahati sa 51-milyong populasyon ng bansa.

Sa kabila naman ng outbreak at mga panawagang iwasan muna ang mga malaking pagtitipon, nagsagawa ng kilos-protesta ang nasa 20,000 katao kontra kay President Moon Jae-in sa Seoul. (AFP)