-- Advertisements --
Nagpasa ng batas ang gobyerno ng South Korea na nagbabawal ng sa pagbebenta ng aso at karne nito.
Ang nasabing batas ay sapilitang maipapatupad sa 2027 na naglalayong matigil na ang matagal na tradisyon na pagkain ng karne ng aso.
Itinuturing kasi ang karne ng aso na niluluto at tinatawag na “boshintang’ na pinakasikat na putahe sa South Korea.
Sa ilalim ng nasabing batas na ang pagkain ng karne ng aso ay hindi iligal dahil sa kakaunti na lamang sa mga kabataan doon ang kumakain ng karne ng aso.
Binibigyan ng gobyerno ang mga may-ari ng kainan at empleyado nila na maghanap ng ibang uri ng pagkakakitaan bago tuluyang ipatupad ang nasabing batas.